Miyerkules, Disyembre 23, 2015

MGA NATUKLASAN

Aking natuklasan na dito nakatira ang isa sa mga nanahi ng watawat ng Pilipinas na si Marcela de Agoncillo. Akin ding nalaman na hindi itinahi ang watawat ng Pilipinas dito sa ating bansa kundi sa Hong Kong.

Si Leon Apacible ay isang abogado at hukom pamayapa. Siya ay naglingkod bilang kanang kamay ni Heneral Miguel Malvar.

Sa bahay na ito nakatira si Leon Apacible at naging tagpuan din ito nila Dr. Jose Rizal at iba pang bayani.



Ang pakakak ay isang kagamitan na pampaingay, ginagamit nila ito bilang pangkatok sa isang kabahayan at tinatawag na ito ngayon na "doorbell".

Karanasan sa Taal, Batangas


Naging masaya at nakakapagod ang aking karanasan sa Taal, Batangas.

Naging masaya ako dahil nakakita ako ng mga bahay na makaluma ang disenyo di katulad dito sa Metro Manila na moderno na ang mga disenyo ng mga tahanan. Marami din akong natuklasan na bagay dito.

Nakakapagod dahil halos buong araw kami naglakbay upang mapuntahan ang mga makasaysayang lugar dito ngunit sulit naman dahil sa kagandahan nito.

Martes, Disyembre 22, 2015



Kapital ng Balisong at Barong Tagalog ng Pilipinas

Dito nila ginagawa ang mga produktong barong tagalog at balisong.
Ang barong tagalog ay isang burdadong pormal na kasuotan na nakasanayan na ng mga Pilipino na suotin tuwing may okasyon tulad ng kasal, binyag, at marami pang iba. Ang barong tagalog ay madalas na gawa sa telang piña.
Ang balisong ay isang uri ng patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng talim. Ipinangalan ito Baryo Balisong na isang nayon sa bayan ng Taal sa Batangas dahil doon ginagawa at ibinebenta ang sari-saring uri ng balisong. Ito ay sumisimbolo sa kabanalan ng pagkamaginoo at lakas ng loob ng mga Batangueño.