Dito nila ginagawa ang mga
produktong barong tagalog at balisong.
Ang barong tagalog ay isang
burdadong pormal na kasuotan na nakasanayan na ng mga Pilipino na suotin tuwing
may okasyon tulad ng kasal, binyag, at marami pang iba. Ang barong tagalog ay
madalas na gawa sa telang piña.
Ang balisong ay isang uri ng
patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng talim.
Ipinangalan ito Baryo Balisong na isang nayon sa bayan ng Taal sa
Batangas dahil doon ginagawa at ibinebenta ang sari-saring uri ng
balisong. Ito ay sumisimbolo sa kabanalan ng pagkamaginoo at lakas ng loob ng
mga Batangueño.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento